-- Advertisements --

Naghain ng divorce ang asawa ni NBA star Trevor Ariza na si Bree Anderson Ariza.

Isinaad nito na dahilan ng paghihiwalay sa asawa ay ang hindi na maayos-ayos na away nila.

Hiningi rin nito ang physical at legal custody ng dalawa nilang anak.

Ikinasal ang dalawa noong Abril 2018 noong miyembro pa siya sa Houston Rockets.

Si Ariza na isa ng free-agent ng Los Angeles Lakers ay nahaharap din sa kaso mula sa dating kinakasama na si Lana Allen noong 2020.

Mula pa 2004 ay nagsimulang maglaro sa NBA si Ariza at siya ay 2nd round pick noon ng New York Knicks.