-- Advertisements --

Ibinahagi ng asawa ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista ang kanilang kasalukuyang pinagdadaanan.

Sinabi nito na labis itong nababahala dahil sa hindi inaasahang nabaligtad ang nasabing kaso matapos ang walong taon.

Inamin nito na tila wala na siyang lakas dahil sa kanilang pinagdadaanan.

Bagamat hindi perpekto aniya kanilang relasyon ay nananatili pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Kamakailan kasi ay ipinagdiwang lamang nila ang kanilang ika-14 taon na anibersaryo ng pagsasama.

Nababahala rin ito sa kaligtasan ng asawa kapag siya ay tuluyang mailipat mula sa National Bureau of Investigation (NBI) patungo sa Taguig City Jail.

Magugunitang boluntaryong sumuko ang actor matapos ang paglabas ng kaniyang warrant of arrest dahil sa kasong rape na ang biktima ay modelong si Deniece Cornejo noong 2014.