-- Advertisements --

beds

Ikinatuwa ng pamunuan ng PNP Administrative Support for Covid-19 Task Force (ASCOTF) ang patuloy na pagbaba ng Covid-19 cases sa kanilang hanay.

Patunay dito ang mababang bilang ng mga personnel na naka-admit ngayon sa mga PNP isolation and treatment facilities,kaya ito na rin ang pagkakataon para makapag pahinga kahit papaano ang mga medical frontliners.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz kaniyang sinabi na sila ay masaya sa pagbaba ng Covid-19 active cases sa kanilang hanay.

” Yes Anne. We are glad about the downward trend in our active cases that is consistent with what is happening in the general population especially in NCR Plus 8,” mensahe ni Lt.Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Sa datos ng Health Service (HS), nasa 223 o 8.34% ang Covid-19 bed occupancy rate sa PNP, as of October 20,2021, habang nasa 2,450 o 91.66% ang available beds.

Ang PNP ay mayruong 137 isolation, quarantine at admission facilities nationwide na may 2,673 bed capacity.

Ang Kiangan Emergency Treatment Facilities (KETF) sa Camp Crame ay may 375 Covid-19 bed capacity at kasalukuyang 54 beds ang occupied sa ngayon.

Ngayong araw nakapagtala ang PNP ng 842 Covid-19 active cases at nasa 64 ang naitalang bagong kaso.

Siniguro naman ni Lt. Gen. Vera Cruz na patuloy nilang imantine ang mga nasabing isolation and treatment facilities sa buong bansa dahil hindi masabi kung kailan muli magkaroon ng surge o pagtaas ng Covid-19 cases sa bansa dahil nananatili itong malaking banta sa kalusugan ng lahat.

” We will intend to maintain yung ating mga isolation and treatment facilities because we do not know yet what will be the effect of the lowering of alert levels/ quarantine status which is feared by some health experts to cause another surge in active cases. Hopefully wala nang bagong strain na mag emerge like Delta variant which have wreaked havoc world-wide,” dagdag na mensahe ni Vera Cruz.

eleazar1

Samantala, hinimok naman ni Vera Cruz ang kanilang mga medical frontliners na naka deploy sa ibat-ibang facilities na i-take advantage ang kasalukuyang sitwasyon para magpahinga,palakasin ang kanilang katawan at immune system bilang paghahanda sakaling may pagtaas na naman ng kaso ng Covid-19 cases sa kanilang organisasyon.

” Sa mga frontliners natin na naka detail sa ating mga facilities, I encourage them to take advantage of the current situation to have time for themselves to engage in physical activities that will strengthen their bodies andd boost their immune system in preparation for any eventualities that may happen in the future,” pahayag ni Lt.Gen. Vera Cruz.

Samantala, nasa kabuuang 248 Medical Reserve Force (MRF) personnel ang nakadeploy ngayon sa anim na quarantine/isolation facilities sa buong National Capital Region (NCR).

Sa nasabing bilang 14 dito ay Police Commissioned Officers (PCO) habang 234 naman ang Police Non-Commissioned Offcers (PNCO).