Nagkasundo ang mga diplomat mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at China na huminahon sa usapin sa disputed water kung saan parte nito ang West Philippine Sea.
Ito ay kasaby na rin ng pagkikita ng mga ito sa Thailand para sa panibagong yugto ng pag-uusap sa pagharap sa umiigting na tensiyon sa pinagtatalunang karagatan.
Ayon kay Chinese Ambassador to the PH Huang Xilian, lahat ng partido sa Joint Working Group on the Declaration of the Conduct of Parties (JWG-DOC) in the disputed sea ay nagpahayag ng commitment para panatilihin ang kapayapaan at stability rehiyon.
Nagkasundo din ang mga ito na ipagpatuloy at epektibong ipatupad ang Declaration of the Conduct of Parties, panatilihin ang momentum sa dayalogo at konsultasyon at isapinal ang Code of Concust sa mas maagang petsa.
Ang naturang deklarasyon ang unang political document na magkasamang inisyu ng member countries ng ASEAN at China sa isyu sa disputed waters na napagkasunduan ng lahat ng partido na naglalayon ng mapayapang pagresolba ng mga dispute at pagsasagawa ng maritime cooperation.