Matapos ang high-level meeting kahapon Sabado, hindi pa rin nakapagpalabas ng customary communique ang Southeast Asian foreign ministers kaugnay sa isyu ng pinag aagawang teritoryo sa West Phls Sea.
Ito ay dahil sa kakulangan ng consensus mula sa 10 member countries ng ASEAN.
Ang isyu sa South China Sea ay matagal ng masalimuot na isyu na kinakaharap ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), kung saan may ibat ibang opinyon dito ang mga bansa sa ilalim ng ASEAN.
Layon ng nasabing communique ay tugunan ang pagiging agresibo ng China sa pagtatayo ng istruktura at paglalagay ng mga armas sa kanilang mga isinagawang artificial islands sa pinag-aagawang teritoryo sa West Phl Sea.
Napag alaman na tatlo sa pitong reclaimed reefs ng China ay may runways, radar, surface-to-air missiles at storage facilities para sa kanilang mga fighter jets.
Hindi naman nagbigay ng dahilan si Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar kung bakit na naantala ang paglabas ng communique.
Siniguro naman ni Bolivar na maglalabas sila pahayag kaugnay sa nasabing isyu sa mga susunod na araw.
“The communique will be issued together with all the chairman’s statements by the end of all the meetings,” pahayag ni Bolivar.