Naniniwala ang Department of National Defense (DND) na mahalaga na magkaisa ang ASEAN member countries sa pagharap sa maritime issues, lalo na sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Muling pinagtibay naman ng DND ang commitment nito para batanyan ang karagatan ng Pilipinas.
Ito’y sa kabila ng napakaraming hamon na kinakaharap lalo na sa ng usapin sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa mensahe ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isinagawang 146th Maritime Forum na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City na binasa ni Undersecretary Cardozo Luna.
Giit ng opisyal, sa usapin ng maritime issues kailangan ng Pilipinas ang tulong ng Southeast Asian Nations (ASEAN) member countries para harapin ang nasabing usapin.
Aniya, dapat tanggapin ng Pilipinas na hindi nito kayang labanan ng
mag-isa ang isyu kaya mahalaga na magkaroon ng pagkakaisa ang ASEAN countries ukol dito.
Una ng sinabi ni Lorenzana na kaniyang isinusulong na magkaroon Declaration on the Code of Conduct of Parties sa West Philippine Sea at palakasin ang ang Trilateral Cooperative Agreement sa Malaysia at Indonesia.
Ang nasabing mensahe ng kalihim ay kasunod ng insidenteng paglubog ng bangkang pangisda ng mga Pilipino sa Recto Bank.
Una ng sinabi ng mga mangingisda na sila ay binangga ng Chinese vessel at inabandona pagkatapos ng insidente.
Pero matapos ang ilang linggo, tila kumambiyo na ang mga mangingisda sa kanilang unang pahayag.