-- Advertisements --
Magsasama-sama ang mga Southeast Asian countries para sa pag-bid sa hosting ng World Cup sa 2034.
Ayon kay Thai Prime Minister Prayuth Chan-Ocha, na ito ang kanilang napagkasunduan sa ginanap na leaders meeting sa Bangkok.
Minsan lang kasi naghost ang Asia ng international soccer event ito ay sa pamamagitan ng Japan at South Korea noong 2002.
Muling dadalhin sa kontinente ng Asya ng Qatar ang nasabing event sa 2022.
Dagdag pa ng prime minister na pumayag ang mga bansa na gawin sa Asian region ang FIFA World Cup sa 2034.
Ang mga bansa ay binubuo ng Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, Vietnam at Brunei.