Labis ang pasasalamat ni Sarah Geronimo sa ikalawang pagkakataon na ibinigay sa kanya sa ASEAN (Association of South East Asian Nations)-Japan Music Festival.
Muli kasing naging tampok ang tinaguriang Popstar Royalty sa nasabing event na isinagawa kahapon sa pamamagitan lamang ng virtual o online.
Inawit ni Sarah G ang ilan sa kanyang hit songs gaya ng “Ikot-ikot” at “Isa Pang Araw.”
“I’m glad to represent my country, the Philippines, in the ASEAN Music Festival for the second time. Thank you very much for this opportunity. I am truly honored to be a part of this,” saad ni Geronimo sa video introduction.
Dagdag nito na hangad niyang magsilbing inspirasyon ang mga makabuluhang musika sa gitna ng iba’t ibang pagsubok sa mundo gaya ng coronavirus pandemic.
Unang nag-perform ang 32-year-old singer/actress sa ASEAN-Japan Music Fest noong 2018 sa Tokyo kung saan kanya namang inawit ang “Tala” at “Kilometro.”
Matatandaang si Sarah ang misis ng artista ring si Matteo Guidicelli.