-- Advertisements --

Epektibo alas-12:00 kaninang tanghali, inalis na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) lane sa southbound ng EDSA.

Ayon kay MMDA-ASEAN Task Force head Emmanuel Miro, kanila nang itinabi sa gilid ang mga hinarang nilang plastic traffic barriers.

Nilinaw naman ni Miro na nananatili ang ASEAN lane sa northbound ng EDSA dahil dito dadaan ang mga bisitang tutungo ng Clark International Airport.

Sinabi ni Miro na ang pag-alis ng ASEAN lane sa southbound ay utos ni Department of the Interior and Local Government officer-in-charge Catalino Cuy.

Ito’y kahit may ilan pang mga bisita na namamasyal sa iba’t ibang panig ng Metro Manila gaya sa Greenhills.