-- Advertisements --
image 378

Mariing kinondena ng matataas na diplomats mula sa member states ng Association of Southeast Nation (ASEAN) ang karahasan sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas na ikinamatay ng mga sibilyan kabilang ang mga nagmula sa mga bansa sa ASEAN.

Bagamat tumangging pumanig ang mga ito sa pagitan ng magkalabang Israel at Palestinian militant group na Hamas, umapela ang mga ito para sa two-state solution na nagpapahintuloy sa Israelis at Palestinians na mamuhay ng mapayapa at ligtas.

Sa isang statement, nanawagan din ng ASEAN foreign ministers para sa agarang pagtatapos na ng karahasan upang maiwasan ang mas marami pang casualties at umapela ng buong paggalang sa International Humanitarian Law.

Umapela din ang ASEAN sa lahat ng concerned parties na maglatag ng ligtas na lagusan para sa humanitarian corridors para sa mga dayuhang na-trap sa loob ng Gaza na siyang dumaranas ng hagupit ng pagganti ng Israel sa Hamas at walang access sa basic necessities.

Idinemand din ng ASEAN ang pagprotekta sa kanilang mamamayan at agarang pagpapalaya sa lahat ng mga bihag kasabay ng paghahanda ng asosasyon para sa pagbibigay ng tulong sa kanilang mamamayan alinsunod sa napagkasunduang guidelines.

Hinimok din ng ASEAN ang international community na suportahna ang peace process upang matiyak ang pangmatagalang kapayapaan at istabilidad sa rehiyon.