-- Advertisements --

Kasunod ng inalabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na pagkundena sa nangyaring pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nitong araw ng Linggo, nangako ang regional body na lalawakan pa nito ang counter-terrorism campaign sa Southeast Asia.

Ayon sa ASEAN, lalo pa nitong lalawakan ang regional cooperation sa buong Southeast Asia upang mapigilan ang mga kahalintulad na pambobomba.

Nangako rin ng suporta ang naturang organisasyon sa mga bansang bahagi nito sa kampanya at inisyatiba ng bawat isa laban sa anumang teroristang aktibidad.

Ang ASEAN ay binubuo ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam, at Pilipinas.

Sa mga nakalipas na pagpupulong ng mga lider ng bawat bansa, kabilang ang pagpuksa at pagpigil sa terorismo sa mga pinag-uusapan, kasama na ang trade relations, regional cooperations, at stability sa WPS, atbpa.