Iniurong na sa buwan ng Marso ang 2020 ASEAN PARA Games mula sa dati nitong petsa na Enero.
Ipinaabot na rin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang desisyon sa Phlippine Paralympic Committee (PPC) na dahil sa problema sa financial at logistical ang kabilang sa itinuturong dahilan ng nasabing paglipat ng petsa.
Una kasing gaganapin sana ito mula Enero 18 hanggang 25, 2020.
Sinabi pa ni PPC president Mike Barredo, kahit na pinaghandaan nila ang nasabing torneyo ng mahigit isang taon ay hindi talaga maiwasan ang nabanggit na mga problema tulad na lamang nang nangyari rin sa unang bahagi ng SEA Games.
Pero dahil aniya sa paglipat ng bagong petsa ay mas lalong mapaghahandaan na nila ang nasabing torneyo.
Ang ASEAN PARA Games ay isang twin event tuwing ginaganap ang Southeast Asian Games kung saan nag-host din ang Pilipinas na nagsara nitong nakalipas na September 11.