Pormal ng binuksan ni Indonesian Pres. Joko Widodo ang ASEAN 2023 na ginanap sa bansang Indonesia.
Siniguro naman ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang kahandaan na makipag tulungan sa Work Plan 2023-2027.
Sinalubong ni Indonesian President Joko Widodo si Pang. Ferdinand Marcos Jr sa kanyang pagdating sa Meruorah Komodo Convention Center sa Indonesia para sa 42nd ASEAN Summit.
Sa naging talumpati ni Widodo binigyang pagkilala nito ang role ng mga young generations ay makapag contribute para maging advance ant ASEAN bilang stable region at siyang epicente ng paglago ng ekonomiya.
Kabilang sa agenda ng pulong ay ang presentation of policy recommendations na nakiluha sa isinagawang ASEAN Youth Dialogue (AYD) 2023 on Digital Development for Sustainable Development Goals (SDGs) na ginanap sa Jakarta kasama ang 60 youth representatives mula da ASEAN Member States at Timor-Leste.
Kabilang sa mga rekumendasyon ay ang digital development equitable and inclusive sa Southeast Asia.
Ang mga nagrepresenta sa Philippine Youth ay sina Tiffany Templonuevo ng University of Sto. Tomas at Jericho Emphasis of the University of Mindanao.
Ayon naman kay Pang. Marcos ang mga kabataan ang siyang forefront ng mga advocacies para imitigate at i adopt ang epekto ng climate sa Pilipinas.
Naniniwala naman si Pangulong Marcos Jr na hindi maiiwasang mapag usapan sa ginaganap na ASEAN Summit ang isyu ng tensyon sa Taiwan strait.
Sinabi ng chief executive concern ang lahat ng member states ng ASEAN ang bagay na ito kaya tiyak na pag uusapan ito.
Matagal na rin naman kasi aniyang sentro ng diskusyon ang isyu, marami na ang nagbago kaya may pangangailangan na ring baguhin ang mga hakbang para ito matugunan.