GENERAL SANTOS CITY – Nagkukumahog ang mga personahe ng City Vetirinary Office para madespatsa kaagad ang mga alagang baboy sa Purok San Lorenzo, Apopong nitong lungsod matapos ang report na nakapasok na umano ang African Swine fever sa lugar.
Mismong si Dr Efraim Marin, City Vetirinary office ang hinde tumutugon sa tawag nitong himpilan para magbigay pahayag sa sinasabing ASF incident matapos pinapakuha ang mga alagang baboy sa mga residente.
Kaninang umaga kasi nagreklamo ang mga residente ng pilit kinuha ang kanilang baboy sa nasabing lugar at dinala sa isang lugar didto sa lungsod.
Nireklamo ng mga ito na binabarayan lamang ng P5,000 ang lahat ng alagang baboy.
Kinumpirma din ng mga residente mahigit sa 100 baboy ang nakuha at nagpatuloy pa ito ngayong araw.
Nalaman na nanguna ang hog industry sa lungsod dahil nanatiling ASF free kaya dito nagmumula ang baboy na dinadala sa Metro Manila matapos nagkulang ang karne sa lugar mga nagdaang mga buwan.
Hinde pa rin malaman saan galing ang sinasabing ASF dahil ang lungsod ang may mahigit sa sampung ASF checkpoint na nakalagay sa mga boundary nitong lungsod.