-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sumampa na sa 17 Barangay sa M’lang Cotabato ang grabeng naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa mga alagang baboy.

Tumaas rin ang bilang ng mga alagang baboy na kailangan e-depopulate o isailalim sa culling activity mula sa red area at pasok sa 500 meter radius.

Ito ang kinomperma ni Mlang Municipal Agriculture Officer Arlene Encarnacion.

Sa datos ng MAO-M’lang abot na sa 2, 592 na mga baboy ang na-depopulate na galing sa labing pitong Barangay.

Nadagdag ang barangay ng Tawan-Tawan, Buayan, Bagontapay at Bialong.

Isa sa mga nakikitang dahilan ni Encarnacion ay ang pagtakas o pagdala ng mga baboy na galing sa red area bago sana ang depopulation activity sa mga lugar na walang kaso ng ASF.

Aminado itong may kapabayaan rin ang ilang Barangay Officials sa pagbabantay sa mga residente lalo na ang pagkatay ng alagang baboy sa labas ng slaughter house at walang kaukulang dokumento.