Ipapatigil ang trial ng African swine fever (ASF) sakaling magkaroon ng problema ayon sa opisyal ng Department of Agriculture (DA).
Ito ay matapos na payuhan ni dating DA Sec. Leonardo Montemayor ang ahensiya na magdahan-dahan sa pagsasagawa ng trials para sa ASF vaccine.
Ito ay kasunod ng babala ng World Organization for Animal Health sa mga bansa laban sa paggamit ng substandard na ASF vaccine para mapuksa ang sakit.
Subalit pagtitiyak ni DA spokesperson ASec. Arnel De Mesa na sasailalim sa tamang proseso ang ginagawang trial sa bakuna kontra ASF at malalaman aniya ang efficacy nito sa resulta ng controlled vaccination.
Una na ngang tiniyak din ng opisyal na aaprubahan ng Food and Drug Administration ang unang bakuna kontra ASF para sa commercial distribution ngayong buwan ng Hulyo.
Subalit bago ito, magsasagawa muna ang DA ng mass trial ng bakuna.