Aminado si Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Eduardo Año na nakarekober na si Abu Sayyaf Group (ASG) leader Isnilon Hapilon mula sa pagkakasugat nito sa operasyon ng militar sa Butig, Lanao del Sur, noong nakaraang taon.
Batay kasi sa video na inilabas ng militar, nakitang nakaupo si Isnilon Hapilon na itinuturing na “Amir” ngayon ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa Asya at nasa malusog na pangangatawan.
Banggit ni Año na hindi naman nakitang tumayo o naglakad si Hapilon sa nasabing video kaya hindi makita kung mayroon itong diperensiya sa paglalalakad.
Inihayag ni chief of staff na batay sa kanilang mga source, nagpapagaling pa rin si Hapilon sa kaniyang pagkakasugat.
At batay sa kanilang pagkakaalam, ang Hapilon na lumitaw sa video ay hindi ang normal na ASG leader na kanilang napag-alaman.
Nanindigan ang militar na malubhang nasugatan si Hapilon kahit lumabas ito sa video na mukhang malusog.
“He was wounded in our operations in butig but somehow has recovred pero dun naman sa video nakaupo lang naman sya e, hindi naman nakitang naglalakad at nakakatayo or nakakalakad sya ng straight bec from our sources he told us that Hapilon is still recuperating, that is not the normal Hapilon that we used to know,” wika ng heneral.