Inamin ng militar sa Marawi City na hindi na nila namomonitor sa mismong war zone si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon na siyang itinuturing na Amir sa Asya ng teroristang ISIS.
Ayon kay 1st Infantry Division at Task Force Marawi spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera na batay sa nakuha nilang impormasyon na posibleng umalis na sa Marawi si Hapilon, subalit hindi pa ito kumpirmado.
Sinabi ni Herrera na bina-validate pa nila ang nasabing impormasyon.
Napag-alaman na hindi na si Hapilon ang nagco-command ngayon sa grupo.
Sa ngayon ina-alam na ng militar sa Marawi kung totoong nakalabas na ng Marawi si Hapilon.
Wala din report ang militar kung kabilang sa casualties ng Maute terror group si Hapilon.
” No specific details sa report na possible escape ni Hapilon sa Marawi, this are all for validation pa ng military,” pahayag ni Herrera.