-- Advertisements --
besana
Wesmincom Spokesperson Col. Gerry Besana


Arestado ang isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf sa ikinasang focused military operations ng mga operatiba ng 32nd Infantry Battalion laban sa grupo ni ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan sa may Sitio Bading, Barangay Taung, Patikul, Sulu.
Kinilala ni Western Mindanao Command (Wesmincom) Spokesperson Col. Gerry Besana ang nahuling bandido na si Aldie Wajid.
Nakuha sa posisyon ni Wajid isang caliber .45 pistol, 1 magazine na may apat na rounds of ammunition at dalawang rolls ng electric wire.
Kasalukuyang sumasailalim sa custodial debriefing 32nd IB headquarters ang naarestong ASG member, bago pa siya iturn over sa Patikul PNP para sampahan ng kaukulang kaso.
Sa kabilang dako, nagsagawa din ng focused military operations ang mga operating elements ng 1st Scout Ranger Battalion ng makarekober ang mga ito ng isang cadaver na pinaniniwalang miyembro ng Abu Sayyaf na napatay sa sagupaan laban sa mga sundalo.
Ang nasabing “human remains” ay narekober ng mga sundalo sa may Sitio Hagas-hagas, Barangay Pangkayahan, Patikul.
Kaagad namang inilibing ng mga tropa ang narekober na cadaver.
Inihayag pa ni Besana na magpapatuloy ang militar sa kanilang operasyon laban sa teroristang Abu Sayyaf ngayong Holy Week.