Arestado ang isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf sa ikinasang operasyon ng pinagsanib ng pwersa ng PNP sa Region-9 sa Sitio Looc Sural, Barangay Looc Labuan, Tungawan, Zamboanga Sibugay kaninang alas-4:00 ng madaling araw.
Kinilala ni PRO-9 regional police director, PBGen. Emmanuel Luis Licup ang naarestong bandido na si Abubakar Yakub alias Jhan Que Lahi.
Una ng naaresto ang suspek dahil sa kasong kidnapping and serious illegal detention.
Kinumpirma ni Licup na si Yakub ay kabilang sa 31 na mga preso na nakatakas sa nangyaring Jailbreak sa Basilan Provincial Jail, Barangay Sumagdang, Isabela City, Basilan nuong December 13,2009.
Ang nahuling bandido miyembro ng Basilan based Abu Sayyaf Group (ASG) sa pamumuno ni Khadaffy Janjalani.
Kasalukuyang nakakulong sa Tungawan PNP si YaKub.
Pinuri naman ni Licup ang kaniyang mga tauhan sa pagkakahuli sa nasabing bandido.
-- Advertisements --