-- Advertisements --

asg

Boluntaryong sumuko sa mga operating troops ng Joint Task Force Tawi-Tawi at 2nd Marine Brigade kaninang umaga, October 11, 2021 sa Bongao, Tawi-Tawi, ang isang Abu Sayyaf at kidnap for ransom group member.

Kinilala ni JTF Tawi-Tawi at 2nd Marine Brigade commander Col. Romeo Racadio ang sumukong ASG member na si Majah Misal alias Madz/Mitz.

Isinuko din ni Misal ang kaniyang armas na isang U.S. carbine rifle, isang magazine at 10 rounds ng live ammunition.

Ayon kay Col. Racadio bago pa man i-turn-over si Misal sa pamahalaang lokal ng Bongao, kanila munang isinailalim sa medical check-up ito na pinangunahan ng Forward Support Medical Team ng 2nd Marine Brigade.

Isang simpleng turn-over ceremony ang isinagawa sa mismong headquarters ng 2nd Marine Brigade sa Barangay Sanga-Sanga.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang municipal administrator ng Bongao na si Mary Ann Abdulmunap; Gulamhasan Sappayani, assistant provincial director MILG, Tawi-Tawi at Col. Bonard Briton, Tawi-Tawi police provincial director.

asg2

Si Misal ay anak ng yumaong ASG member na si Misal Jumsah na napatay sa engkwentro laban sa militar sa Sitio Kanbaddal, Barangay Kabuntakas, Patikul, Sulu noong 2017.

Inamin ni Misal na bata pa lang siya nagsilbi na siyang spotter at ASG/KFRG Logistics courier ng teroristang grupo.

Sa murang edad nito nakiisa na rin siya sa mga serye ng engkwento laban sa mga military forces sa Sulu.

Hinimok naman ni Racadio ang iba pang mga rebelde na nagtatago pa rin sa batas na sumuko na lamang sila pamahalaan nang sa gayon ma-enjoy ng mga ito ang normal na pamumuhay.

Siniguro naman ni Racadio ang tulong at suporta ng militar sa mga rebeldeng nais magbalik loob sa gobyerno.

Binigyang-diin ni Racadio, mananatili ang momentum ng kanilang kampanya laban sa terorismo.

“I encourage those who are still in the mountains to return to the folds of the law and enjoy life in peaceful environment,” mensahe ni Col. Racadio sa Bombo Radyo.

Bukod sa pinaigting na kampanyan laban sa terorismo, loose firearms, pinalakas din ng militar ang kampanya laban sa iligal na droga sa pakikipag-ugnayan sa PNP.