Patay ang isang hinihinalang miyebro ng Abu Sayyaf Kidnap for Ransom Group sa engkwentro laban sa mga pulis sa Payao, Zamboanga Sibugay Province.
Kinilala ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang nasawi na si Usman Hassan alyas Gang-Gang.
Batay sa ulat, maghahain lang ng warrant of arrest ang Intelligence Unit ng PNP kasama ang Special Action Force (SAF) bandang alas-3:00 ng madaling araw ng manlaban ito sa mga otoridad.
Kasong kidnapping for ransom and serious illegal detention with homicide ang kinakaharap ng suspek.
Nakatunog umano na siya ang target ng operasyon, kaya ito nagpaputok ng baril dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis.
Dito na nasawi ang suspek at nakuha sa kanya ang kalibre 45 na baril.
Ayon sa PNP si HASSAN ay nasa ilalim ng grupo ni ASG KFRG leader Sibih Pisih at Idang Susukan.