-- Advertisements --

Patay ang isang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa panibagong enkwentro sa may isla ng Sulare bayan ng Parang probinsiya ntg Sulu kahapon ng hapon.

Ayon kay Western Mindanao Command (Wesmincom) Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana nagsasagawa ng combat patrols ang mga sundalo ng makasagupa ang teroristang grupo.

Bukod sa napatay na bandido (body count) narekober din ng militar ang isang M16 rifle bandoleer at cellphone.

Sinabi ni Sobejana, dahil sa nasabing labanan nasira ang twin engine speed boat ng teroristang Abu Sayyaf na positibong tinukoy ng tatlong Indonesian fisherman na kasalukuyang nasa isang Malaysian fishing company.

Hindi pa makumpirma ni Sobejana kung mga bandidong Abu Sayyaf ang dumukot sa limang Indonesian fishermen.

Samantala, nagkasagupa din ang mga tropa ng Philippine Marines at mga bandidong grupo sa may isla ng Lakit-Lakit sa Tawi-Tawi.

Sa nasabing labanan, isang sundalo ang nasugatan pero ligtas na ito sa kapahamakan.