-- Advertisements --

ASGsibuco

Patay ang isang miyembro ng teroristang Abu Sayyaf group (ASG) na sangkot sa mga kidnapping activities sa Zamboanga Peninsula region matapos manlaban sa mga operatiba ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) sa isinagawang law enforcement operation kaninang alas-2:00 ng madaling araw sa Sibuco,Zamboanga del Norte.

Kinilala ni PNP AKG director, B/Gen. Jonnel Estomo ang nasawing bandido na si Jupuri Dais na armado ng caliber .45 pistol.

Unang nagpaputok sa mga pulis ang suspek bago pa silbihan ito ng warrant of arrest.

Ayon kay Estomo, batay sa police records, si Dais ay miyembro ng ASG sa ilalim ASG group sub-leader na si Almujir Yadah na dating miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Si Dais ay sangkot sa mga serye ng kidnapping activities sa Mindanao partikular ang kidnapping kay Martina Yee nuong 2016, Ruda couple at Javier family nuong 2018.

asgsibuco2

Binigyang-diin ni Estomo ang nasabing operasyon ay nagawang pigilan ang pagdukot sa isang Zamboanga baased project engineer at contractors sa area ng Sibuco, dahil si Dais ang nagsisilbi umanong mata at tenga ng teroristang Abu Sayyaf sa lugar.