Sumuko sa Marine Battalion Landing 12 (MBLT-12) ang isang Tawi-Tawi based Abu Sayyaf at kidnap for ransom group member nuong Miyerkules.
Kinilala ni Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan ang sumukong bandido na si Barri Lakibol, alias Baley/Badeng/Otoh Itom/Robin, 44-anyos residente ng Barangay Silubog, Bongay,Tawi-Tawi.
Sinabi ni Vinluan, batay sa kanilang records, si Lakibol ay sangkot sa kidnapping sa 21 hostages kabilang ang European nationals at iba pang banaga sa Sipadan Island nuong April 2000.
Isinuko ni Lakibol ang kaniyang arams na M14 U.S. rifle na may isang magazine at dalawang live ammunition.
Tinanggap si Lakibol ni MBLT-12 commanding officer Ltc Henry Espinosa.
Sinabi ni Espinosa, batay sa mga rebelasyon ni Lakibol, siya ay ni recrut ni Sulu-based ASG Commander Ghalib Andang alias Commander Robot.
Sa isinagawang debriefing sa sumukong bandido, 2006 pa ng iwan niya ang teroristang grupo dahil sa pinalakas na opensiba ng militar laban sa Abu Sayyaf Group.
Inihayag naman ni Col. Arturo Rojas, commander ng JTF Tawi-Tawi, kanilang iturn over sa local government ng Tawi-Tawi si Lakibul para maipasama sa reintegration program ng gobyerno.
Patuloy na hinihikayat ng militar ang mga ASG members na sumuko na lamang sa gobyerno.