-- Advertisements --

Nabunyag ng Joint Task Force Sulu ang planong maglunsad ng panibagong suicide bombing attack ang teroristang Abu Sayyaf sa Probinsiya ng Sulu.


Ito’y matapos maaresto kahapon ng madaling araw ang babaeng Indonesian suicide bomber sa ikinasang joint operations ng PNP at AFP kahapon ng madaling araw sa barangay San Raymundo sa bisa ng search warrant na inilabas ng Regional Trial Court ng Jolo,Sulu.

Nakilala ang inarestong suicide bomber na si Rezky Fantasya Rullie, aka Cici.
Kasamang nahuli ni Rullie ang dalawa pang babae sa bahay na pinagmamay-ari ni ASG sub-leader Ben Tatoo.

Nakuha sa posisyon ng mga inarestong indibidwal ang ginagamit na suicide vest na may nakasabit na pipe bombs at iba pang mga improvised explosive device (IED) components.

Nakilala ang dalawa pang nahuling babae na sina Inda Nurhaina, asawa ni ASG sub-leader Ben Tatoo att Fatima Sandra Jimlani, asawa ni Jahid Jam, na isang ASG member.

Ayon kay JTF Sulu Spokesperson Lt Col. Ronaldo Mateo base sa narekober nilang mga kagamitan target ng teroristang grupo na maghasik ng panibagong suicide attacks.