Siyam na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), kabilang na ang sub-leader na umano’y pinsan ni ASG leader Radullan Sahiron ang patay sa magkakahiwalay na engkuwentro laban sa militar sa dalawang barangay sa Patikul, Sulu.
Nangyari ang unang bakbakan sa Sitio Bud Taming, Barangay Panglayahan nitong Huwebes ng umaga kung saan, nakasagupa ng mga tropa mula sa 32nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang nasa 120 ASG members sa pamumuno nina Radulan Sahirun at Hatib Hajan Sawadjaan.
Nakilala ang napatay na sub-leader ng mga bandido ay nakilalalang si Julie Ikit.
Nakuha sa posisyon ng mga terorista ang ilang kagamitan tulad ng night vision goggles, makeshift tents, 50 galon ng tubig at limang sakong bigas.
Sinundan naman ito ng ikalawang sagupaan pagsapit ng hapon kung saan naglaban ang 1st Scout Ranger Battalion at isa pang ASG group sa Sitio Kan Isnain, Barangay Kabun Takas.
Maliban sa siyam na nasawing bandido, 19 na iba pa ang malubhang nasugatan.