-- Advertisements --
Napatay ng mga mga sundalo sa Sulu si ASG sub-leader Alhabsi alias Abu Misaya sa isang military operation.
Ito ang kinumpirma ng isang mapagkakatiwalaang source ng Bombo Radyo.
Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo, bandang alas-10:35 kagabi nang mapatay ng operating units ng 61st at 65th Marine Company si Abu Misaya sa Barangay Silangkan, Indanan, Sulu.
Nagsasagawa ng focused military operation ang mga sundalo nang makasagupa ang grupo ni Abu Misaya.
Umigting ang ilang minutong labanan subalit walang naiulat na casualties sa hanay ng militar.
Ayon sa source, narekober nila ang bangkay ni Abu Misaya at nakatakda itong iturn over sa mga barangay officials para maibigay din sa mga kamag-anak nito.