-- Advertisements --

Nahuli ng mga militar ang isang Abu Sayaff Sub leader matapos ang nangyaring engkwentro sa Sitio Tubig Kawas, Barangay Latih, Patikul, Sulu.

Kinilala ang nasabing ASG Sub leader na si Amah Ullah.

Sa report ng Western Mindanao Command, nagsasagawa umano combat operation ang tropa ng 17th Special Forces Company at 6th Special Forces Battalion sa lugar nang nakaengkwentro ng mga ito ang nasa 7 mga terrorista.

Umabot umano sa sampung minuto ang sagupaan bago tuluyang umatras ang mga bandido at iniwan ang kanilang sugatang kasamahan.

Bunsod nito ay nahuli ng mga militar ang sugatang si Ullah na napag-alamang tiyuhin at adviser ng upcoming ASG sub leader na si Basaron Arok.

Sa ngayon ay kasalukuyan ng ginagamot sa Camp General Teodolfo Bautista Station Hospital ang sugatang si Ullah at nakatakdang sasailalim sa custodial debriefing.