Ayon kay Western Mindanao Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., nakasagupa ng Marine Battalion Landing Team-1 ang mga ASG sa ilalim ni ASG sub-leader Hatib Munap Binda.
Tumagal ng 30 minuto ang bakbakan bago tumakas ang mga kalaban.
Narekober sa encounter site ang katawan ni Binda, isang m16 rifle at isang m14 rifle.
Si Binda ay nag o-operate sa Kalingalan Caluang at Panamao, Sulu at miyembro ng ASG mula pa 2002.
Sangkot din siya sa mga kidnappings sa tri-boundaries ng Malaysia, Indonesia, at Pilipinas.
Samantala, sa ginawa namang paghabol sa mga tumakbong kalaban sa hindi kalayuan sa Bud Bawis Complex, nakasugupa naman ng mga sundalo ang ilang miyembro ng ASG sa pamumuno ng isa pang sub-leader na si Sansibar Bensio bandang alas- 6:45 ng umaga.
Tumagal ng 20 minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkakasawi ng isang Bensio Barahama.
Sa ngayon, patuloy ang hot pursuit operations ng mga militar sa iba pang ASG na nakatakas.