-- Advertisements --

asg1

Patay ang isang ASG sub-leader na bomb maker sa panibagong sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng Joint Task Force Sulu at mga teroristang Abu Sayyaf sa Patikul,Sulu kaninang umaga.


Ayon kay JTF Sulu Spokesperson Lt Col. Rolando Mateo, nakasagupa ng mga tropa ng 45th Infantry Batallion sa pamumuno ni Ltc Ruben Guinolbay ang grupo nina ASG leader Radulan Sahiron at Mundi Sawadjaan sa may Barangay Maligay, Patikul,Sulu.

Aniya grupo nina ASG Leader Radulan Sahiron at Mundi Sawadjaan ang naka- engkwentro ng mga sundalo.

Kinilala ni 1102nd Brigade Commander BGen. Ignatius Patrimonio ang nasawing terorista na si Arsibar Sawadjaan, isang sub-leader at bomb maker ng teroristang grupo.

Si Arsibar ay pinsan ni Mundi Sawadjaan na siyang mastermind sa Jolo twin bombing nuong August 24.

Ang operasyon ay bahagi pa rin ng hot pursuit operation ng militar laban kay ASG leader Mundi Sawadjaan.

Ayon naman kay Ltc. Guinolbay, nasa 40 na mga bandido ang kanilang nakasagupa kung saan ilang mga sibilyan ang nagbigay ng impormasyon hinggil sa presensiya ng mga teroristang grupo.

Ayon naman kay BGen. Patrimono ang walang tigil na focus military operations sa Patikul-Talipao complex ay lalo lamang nagpapahina sa grupo nina Sahiron at Sawadjaan.

Pinuri naman ni JTF Sulu Commander BGen. William Gonzales ang mga tropa sa matagumpay nilang operasyon at maging ang alkalde ng Patikul na si Mayor Kabir Hayudini sa suportang ibinibigay sa mga sundalo.