Tinukoy ng militar sa Western Mindanao na ang isang faction ng teroristang Abu Sayyaf ang nasa likod sa panibagong insidente ng pagsabog sa Indanan, Sulu.
Tinukoy ni Westmincom commander, Maj. Gen. Cirilito Sobejana ang grupo ni ASG leader Hatib Hajan Sawadjaan ang grupo na nag pledged allegiance at nagkakanlong ng mga foreign terrorists.
Ang grupo umano ni Sawadjaan ay siya ring responsable sa kambal na pagsabog sa Mount Carmel Cathedral noong New Year’s attack.
Kahapon nagtungo sa probinsiya ng Sulu si Sobejana at nagsagawa ng ocular inspection at assessment sa headquarters ng 1st Brigade Combat Team sa Indanan na siyang target sa kambal na pagsabog.
Batay sa inisyal na assessment, ang dalawang sumabog na improvised explosive device ay na detonate remotely, taliwas sa naunang report na suicide bombing.
Sa ngayon ayon sa heneral kanila pang bina-validate ang report kung suicide bombing ang insidente o isang simpleng bombing attac gamit ang improvised explosive device.
Sa ngayon tinutukoy din ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Unit ang uri ng bomba na ginamit.