Patay ang notoryus ASG at Kidnap for ransom group cell leader matapos manlaban sa mga otoridad sa probinsiya ng Tawi-Tawi, bandang alas-7:00 kaninang umaga.
Sa report na ipinarating ng militar na nagsagawa ng law enforcement operations ang pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya sa may Sitio Suwang Kagang, Barangay Pasiagan, Bongao kung saan target ng mga ito si Guro Idriz alias Idris/IDZ.
Nakuha sa posisuon ni Idriz ang isang caliber .45 pistol na loaded ng limang live ammunitions.
Naisugod pa sa Datu Halun Sakilan Memorial Hospital si Idriz pero idiniklara itong dead on arrival.
Ayon sa JTF-Marawi na kanilang namonitor ang suspek na nagsasagawa ng monitoring sa construction site ng Diesel Powerplant para sa isang prospect nito na kanilang dudukutin.
Si Idriz at sangkot sa pag kidnap sa German national na si Jurgen Kantner, siya ay miyembro ng Sulu-based ASG sa ilalim ni Muammar Askali pero sa ngayon nasa operational supervision ito ni Hatib Hajan Sawadjaan na kilalang notoryus na kidnap for ransom group.