-- Advertisements --
Barty and Keys
Madison Keys and Ash Barty/ Australian Open FB

Pasok na sa finals ng Australian Open ang home-crowd favorite na si Ashleigh Barty.

Tinalo kasi nito si Madison Keys ng US sa semifnal round.

Nakuha ng world number one ang 6-1, 6-3 score para tuluyang ilampaso ang ranked 51 na American sa loob lamang ng 62 minuto.

Si Barty ang unang Australian woman na makapasok sa finals sa kanilang sariling bansa mula noong panahon ni Lleyton Hewitt sa taong 2005.

Makakaharap nito sa finals si Danielle Collins ng US matapos talunin si Iga Swiatek ng Poland.