-- Advertisements --
Nagkaroon ng ash emission ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island ngayong araw.
Naitala ito bandang alas-2:32 hanggang 2:40 ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagdulot ito ng makapal na abo at usok na may taas na 1,500 meters na napadpad sa kanlurang direksyon.
Bumagsak naman ang abo sa residential area, kung saan natakpan ang bubungan ng mga sasakyan, kabahayan at maging mga halaman.
Nananatiling nasa Alert Level 3 ang Kanlaon Volcano, kung saan ipinagbabawal sa mga residente ang pumasok sa anim na kilometrong radius ng danger zone.
Pinag-iingat naman ang mga mamamayan na lumabas, lalo na ang may respiratory illnesses.