-- Advertisements --
Babaguhin ng ilang simbahang Katolika ang kinaugaliang pagpapahid ng abo sa noo sa nalalapit na paggunita ng Ash Wednesday sa darating na Pebrero 26.
Ito ay para maiwasan ang physical contact at ang pagkalat ng novel coronavirus.
Sinabi ni Caloocan Bishop Virgilio David, imbes na ipahid sa noo ay ipapatak na lamang ng pari ang abo sa ulo ng mga mananampalataya.
Dagdag pa nito, hindi nila ikakansela ang misa at sa halip ay gagawa na lamang sila ng precautionary measures.
Inihayag ito ni David bilang vice president ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines matapos kanselahin ng mga simbahan sa Hong Kong at Singapore ang pagsasagawa ng misa para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.