-- Advertisements --

Nasungkit ni Ashley Barty ang kanyang unang Wimbledon title matapos na talunin niya sa women’s final si Karolina Pliskova, 6-3, 6-7 (4-7), 6-3.

Dahil dito ang world’s No. 1 na si Barty ang kauna-unahang Australian player sa singles na nagkampeon mula pa noong taong 1980 nang makuha rin ito ni Goolagong Crawley.

Sa unang set agad itong nakuha ni Barty pero pagsapit ng 2nd set nahirapan siya sa tie-break bago bumawi siya sa decider.

Ang naturang match ay unang pangyayari na ang umabot sa finals ay parehong debut appearance na huling naganap noon pang taong 1977.