-- Advertisements --

Kinumpirma ng actress na si Ashley Ortega na mayroon silang relasyon ni Mavy Legazpi.

Sinabi nito na kahit na ilang taon na niya nakilala ang actor ay noong nakaraang taon lamang sila lumalabas ng madalas.

Lalo aniya nitong nakilala ang actor ng magkahiwalayan nito ang nobyang si Kyline Alcantara.

Nakilala na rin nito ang mga magulang ng actor na kabilang ang kambal nito na si Cassy.

Nitong Enero ay naging mainit ang usapin na magkarelasyon ang dalawa matapos na makita silang magkasama sa Cebu.