-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Veneto Open si Asia No.2 tennis player Alex Eala matapos talunin si Italian tennis player Giorgia Pedone, 6 – 3, 6 – 3.

Ang dominanteng performance ni Eala ay kasunod ng kanyang sunod-sunod na laro mula sa pagsisimula ng naturang turneyo.

Ito ang una niya muling paglabas sa international competition mula noong French Open na ginanap noong nakalipas na buwan kung saan umabot siya sa Finals.

Susunod na kanyang makakalaban ang isa pang Italian bet na No.91 sa World Tennis Association (WTA), si Sara Errani, 37 taong gulang.

Kamakailan lang ay sinalubong ng Filipino tennis star ang kanyang ika-19 na kaarawan, habang pinaghahandaan ang mas malalaking tennis tournament sa kanyang karera.