-- Advertisements --

Pinatawan ng 4-year ban dahil sa paglabag sa doping ban si Asian champion runner Gomathi Marimuthu.

Bukod pa sa nasabing ban ay tinanggalin din sa kaniya ang 800-meter title.

Ayon sa Athletics Integrity Unit, na hanggang Mayo 2023 ay pagbabawalang makasali sa anumang torneo ang 31-anyos na Indian runner.

Nagpositibo kasi sa anabolic steroid nandrolone si Marimuthu sa 2019 Asian track championship sa Qatar.

Nasundan pa ito ng tatlong beses ng pagpositibo sa tests mula sa samples na kinuha sa India noong nakaraang buwan.

Binigyan naman ng Athletics Integrity Unit si Marimuthu ng pagkakataon na iapela ang kaniyang kaso sa Court of Arbitration for Sport.