-- Advertisements --

Inanunsyo ng international pop-rock singer na si Avril Lavigne na ipagpapaliban muna ang Asian tour ng kanyang “Head Above Water” concert.

Sa Instagram post, sinabi ni Lavigne na dahil ito sa nagpapatuloy na outbreak ng coronavirus disease (COVID-19).

“My band, crew and I have been working so hard to bring this tour worldwide and are completely bummed out,” saad ni Avril.

Idaraos sana ang concert ng Canadian singer sa Asia mula Abril 23 hanggang Mayo 24.

Kasabay nito, hinimok ni Avril ang lahat na manatiling malusog at mag-ingat laban sa nasabing virus.

Patuloy din aniya ang kanyang pagdarasal para sa mga apektado ng sakit.

Abangan na lamang aniya ang susunod pang anunsyo kung kailan itutuloy ang Asian tour.

Maliban sa Pilipinas, kasama rin sa Asian tour ng pop singer ang China, Japan, Taiwan, at Hong Kong.