Inanunsiyo ng Asian Football na nalalapit na ang muling pagbabalik ng kanilang mga laro.
Sinabi ni Asian Football Confederation general secretary Windsor John, na hinihintay na lamang nila ang pagsisimula ng ilang mga laro sa mga local league.
Pinag-aaralan nilang mabuti ang mga competitions at hindi na nagbigay pa ito ng ilang mga detalye ganun din sa petsa kung kailan ang pagsisimula nila.
Sa 12 na bansa na kasama sa Champions League ay tanging South Korea lamang ang nakabalik sa liga habang mayroong apat na iba pa ang nakatakdang bumalik sa Hunyo at Hulyo at ang Thailand naman ay babalik na sa torneo sa Setyembre.
Magugunitang noong Marso ay itinigil ng maraming mga football clubs ang kanilang mga laro dahil sa nagaganap na coronavirus pandemic.
Ang kakulangan ng oras ang pinag-aaralan ng dalawang club tournaments na mayroong 32-team Champions League para makumpleto ang apat na roundsn g group-stage matches bago marating ang knock-out phase.
Nakatakda kasi sa Nobyembre ang Champions League at AFC Cup Finals.