-- Advertisements --

Magtatanghal ang American-Vietnamese music sensation na tinaguriang Lo-Fi prince na si Casey Thai Luong o mas kilala bilang Keshi sa bansa ngayong Disyembre bilang bahagi ng kanyang Hell/Heaven Asia leg tour.

Sa pahayag ng 27-year-old singer sa Star FM Baguio, sinabi nito na excited na siya sa kanyang Asian tour at hindi na rin umano ito makapaghintay para magperform sa harap ng kanyang mga Pinoy fans.

“I am beyond excited. I feel like it’s very validating, because I am of Asian heritage, but I was raised in the States, so it has a really big importance to my identity, to be able to go back and perform there [in the Philippines]. I am immensely proud and I can’t wait to go.”

Noong Abril nga ay nakapasok sa Top 20 ng Billboard 200 at Top 5 ng Billboard Top Album Sales Chart ang kaniyang debut album na GABRIEL.

Ang singer-songwriter, record producer at multi-instrumentalist na si Keshi ay nakilala sa mga kantang “Beside You”, “Touch”, at Like I Need U”. Gaganapin ang concert nito sa December 11 sa The New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.

Maliban kay Keshi, inaabangan na rin ang mga concerts ng iba pang international artists sa bansa ngayong taon, kagaya na lang nina Justin Beiber, Calum Scott, Billie Eilish, Avril Lavigne, Seventeen, Super Junior, at marami pang iba.