Pumanaw na ngayong araw, Abril 12 ang batikang mang-aawit at aktres na si Pilita Corrales sa edad na 85. Ito ay kinumpirma ng kanyang pamilya sa isang social media post.
Ayon sa kanyang pamilya, maraming mga buhay ang napukaw ng mang-aawit dahil sa kanyang mga kanta at kabaitan sa kapwa. Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na detalye sa dahilan ng kanyang pagpanaw.
Nakilala si Pilita Corrales noong 1960 bilang mang-aawit ng mga musikang Bisaya katulad ng ‘Matud Nila’ at ang kanyang kantang ‘Usahay’. Kalaunan ay pinalawak niya ang kanyang karera bilang isang aktres sa pelikula at telebisyon.
Nagpaabot ng pakikiramay ang mga kaibigan, kapamilya at kasamahan sa industriya ng batikang mang-aawit at aktres.
Maalala na noong 2024, inanunsiyo na magkakaroon ng documentary patungkol sa kanyang buhay na papamagatang “Asia’s Queen of Song”. Isa sa mga magiging producer ang apo niyang si Janine Gutierrez.