-- Advertisements --

Target ng Department of Eduaction (DepEd) na bawasan ang bilang ng asignatura ng mga estudyante sa Senior High School (SHS) curriculum at gawing 5 o 6 na lamang.

Layunin nito na mapataas pa ang tiyansa ng mga mag-aaral na ma-hire ng mga employer.

Sa kasalukuyan, mayroong 17 core curriculum subjects sa SHS program.

Sa isang statement, sinabi ni DepEd Sec. Sonny Angara na ang pagbabawas sa mga asignatura sa SHS ay magbibigay ng mas maraming oras para sa on-the-job training na makakapagpahusay pa ng employability o kakayahang ma-hire sa trabaho ang SHS graduates kahit na wala pa silang work experience.

Kaugnay nito, sinabi ng ahensiya na nakipag-pagpulong sila sa academic expert noong Lunes para pabilisin pa ang mga hakbang para sa pag-aaral at pag-streamline ng SHS program.

Ang pag-review ng naturang curriculum para sa SHS o Grade 11 hanggang 12 ay nagpapatuloy habang unti-unting ipinapatupad hanggang 2028 ang K-10 curriculum na tututok naman sa literacy at math skills ng mga estudyante.