-- Advertisements --

Tinanghal bilang 2022 World’s Ugliest Dog ang Chihuahua mix na pinangalanang Mr. Happy Face.

Ang nasabing aso na walang mga balahibo, ngipin at hindi kaaya-aya ang mukha ay napagkamalang minsan bilang isang hyena o mandrill baboon.

Ayon sa may-ari nito na si Jeneda Benally na inampon nito ang aso sa isang shelter as Arizona.

Pinagmalupitan umano ito ng kaniyang dating amo kaya ito ay dinala sa shelter.

Mayroong walong aso ang sumali sa contest na ginanap sa Sonoma-Marin Fair in Petaluma, California subalit nangibabaw ang asong si Mr. Happy Face.

Layon ng nasabing contest ang promosyon ng pag-ampon sa mga asong inaabuso.

Noong 2020-2021 ay hindi kinansela ang event dahil sa COVID-19 pandemic.

Nagwagi si Benally ng $1,500 at biyahe sa New York para lumabas sa isang show doon.