-- Advertisements --
image 664

Laking tuwa ng asosasyon ng mga magsasaka at mangingisda sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan matapos nilang matanggap ang mahigit P3M na halaga ng makinarya mula sa Department of Agriculture.

Nanguna ang lokal na opisyal ng naturang bayan sa isinagawang simpleng turnover ceremony.

Pormal na iginawad sa Barangay Bayaoas Farmers and Fisheries Association Inc. ang isang four-wheel drive tractor at tatlong pump and engine set.

Ito ay may kabuuang halaga na aabot sa P3.637M at nagmula ito sa Corn Program ng Department of Agriculture Region I.

Taos puso namang nagpaabot ng pasasalamat sa Department of Agriculture ang alkalde ng nasabing bayan.

Ito’y dahil na rin sa walang tigil na pamamahagi ng DA ng mga makinarya para sa kanilang mga magsasaka at mangingisda.

Layunin naman ng ahensya na mapabuti ng mga magsasaka ang kanilang produksyon at upang lumaki ang kanilang kita.