-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng South African drug company na Aspen na kaya nilang gumawa ng 10 million na dexamethasone tablets sa loob ng isang buwan.

Ang nasabing gamot kasi ay nadiskubreng na kayang mabawasan ang death rates ng mga nadapuan ng novel coronavirus.

Sinabi ni Aspen Chief Executive Stephen Saad, na pinapabilisan nila ang paggawa ng nasabing mga gamot.

Gumagawa kasi ang kumpanya ng kapwa tableta at bakuna na dexamethasone na siyang pangunahing gamot sa tumors, asthma at ibang mga respiratory ailments.

Tiniyak din ng kumpanya na may sapat silang suplay ng gamot para maiwasan ang posibleng panic-buying.