-- Advertisements --

CEBU – Patay nang natagpuan pasado hatinggabi noong Linggo, Oktubre 2 ang 47 na nababeng una nang napa-ulat na nawawala matapos umakyat sa Mt. Manghilao sa Barangay Masaba, Danao City noong Biyernes ng umaga, Setyembre 30.

Kinumpirma ng pulisya na ang biktima, na kinilalang si Maria Sofia Olaguir, ay natagpuang wala nang buhay sa isang maliit na kanal sa masukal na bahagi ng kagubatan ng bundok.

Iniulat ng pamilya ni Olaguir ang pagkawala niya noong Sabado, Oktubre 1, nang hindi siya umuwi sa kanilang bahay sa Barangay Sandayong Norte.

Sinabi ng mga kaanak sa mga imbestigador na si Olaguir, na kamakailan lamang ay nakakuha ng kanyang diploma sa Edukasyon, ay nagsindi ng kandila at nag-alay ng panalangin sa Mt. Manghilao sa pag-asang makapasa sa paparating na Licensure Examinations for Professional Teachers (LET).

Nagsagawa na ang pulisya ng karagdagang pagsisiyasat upang maipaliwanag ang pagkamatay ni Olaguir.