Nabigo ang planong pag-assassinate kay Ukranian President Volodymyr Zelensky at iba pang matataas na opisyal ayon sa Ukrainian security service (SBU).
Ito ay matapos maaresto ang 2 colonel na miyembro ng Ukrainian government protection unit na napag-alamang parte pala ng mga agent na kabilang sa Russian state security service (FSB).
Napaulat na naghahanap umano ang mga ito ng nais na maging executors sa mga bodyguards ni Pres. Zelensky para dukutin at patayin ito.
Simula noon ay tinangka ng Russian paratroopers na makapasok sa Kyiv at i-assassinate si Zelensky mula ng magsimula ang full-scale invasion noong Pebrero 2022.
Sinabi naman ng Ukraine president na sa simula pa lang ng invasion siya na ang numero unong target ng Russia.
Subalit ang naturang assassination plot ang nangibabaw sa lahat dahil sangkot dito ang mga nagsisilbing colonel na ang trabaho ay panatilihing ligtas ang mga opisyal at institusyon subalit na-hire bilang moles.
Maliban kay Zelensky, kabilang sa iba pang target ay si military intelligence head Kyrylo Budanov at SBU chief Vasyl Malyuk.
Samantala, 1 sa mga military official na naaresto ay may dalang drones at anti-personnel mines.
Sinabi naman ni Ukrainian security service head Vasyl Malyuk na ang naturang pag-atake ay magiging regalo daw kay Russian Pres. Vladimir Putin bago ang inagurasyon nito sa kaniyang ikalimang termino bilang presidente ng Kremlin sa kahapon, Mayo 7.